Ang buhay ay parang ‘Pigsa’ lamang

Tak. Tak. Tak.

Tunog ng keyboard ng computer habang ako’y nagpipissbook.

Kay aga-aga kompyuter na agad ang aking kaharap, pero di bale, hindi naman ata ito isang walang kwentang bisyo – kung iisipin nga sa panahon ngayon, mas inaabangan pa ata ng kabataan ang nangyayari sa kanilang “pissbook” kesa sa balitang napapanood sa “T-Veeeyyy Patrol.”

Tingnan mo kung di dahil sa passbook di ko pa malalaman na ikakasal na pala ang naglaho kong kaibigan na si Aling Nena, sa kanyang ikapitong asawa. Hindi lang yan, napag-alaman ko ring may bagyong paparating dito sa Gensan. Kaya naman pala malamig at tila ba ayaw pakita ni haring araw dito sa amin.

Teka, tama na nga. Hindi naman talaga tungkol sa pissbook ang blog post ko na ito. Continue reading